Ang Anghel at Si Tintin.

Characters:
Nanay Selya- isang malungkot na ina.
Lolo Jose- Lolo ni Miko na mahilig gumawa ng mga laruan.
Tin tin- anak ni Nanay Selya na may sakit na Cancer.
Anghel ng Pasko- Isang imahinasyon na nagkatotoo. Pinangalanang Cherilika.
Geric- Kapatid ni Tin Tin.
Mark- Matalik na kaibigan ni Tin Tin.
Narrator

 

Setting: Sa isang malayong probinsya sa may kanluran. Isang buwan bago magpasko. Makikita sa loob ng tahanan ni nanay Selya na nakaupo si Tin tin sa salas at kinakausap ang nakatatandang kapatid nito na si Geric.

Tin Tin: Kuya Geric, malapit na magpasko. Sana buhay pa si tatay para magkakasama tayong lahat.

Geric: Oo nga. Naaalala ko si tatay na malimit tayong bilhan ng mga pagkain at laruan kaso mula ng mamatay si tatay naging napakalayo ni nanay sa atin.

Tin Tin: Kuya, pagdating ng oras wag mong pababayaan si Nanay ha.

Geric: Magtigil ka nga ng pagsasalita ng ganyan, para ka mamamatay.

Narrator: ang mga sinabi ni Tin ay nagdulot ng konting kaba sa puso ni Geric. Isa nga ba itong hudyat na may mangyayari sa kanyang kapatid?

 

Setting 2: Isang linggo ang nakalipas at tinawag ni Nanay Selya si Geric.

Nanay Selya: Geric, anak may kailangan akong sabihin sayo. Makinig ka ng mabuti.

Geric: Ano po iyon Nanay?

Nanay Selya: Mas mainam siguro na malaman mo na ang Kapatid mo ay May sakit.

Geric: ano po ang sakit nya Nanay? May magagawa po ba tayo? Nilalagnat po ba siya?

Nanay Selya: (Maluluha) Anak, ayoko sanang sabihin sayo ito pero kinakailangan, Si Tin Tin ay may tumor sa Utak na nakamamatay.

Geric: (magugulat)

 

 

Setting 3: Sa bahay ni Lolo Jose.

Mark: Lolo, ano po ang bagong laruan na gawa mo?

Lolo Jose: Ay oo nga pala, halika sa loob at ipapakita ko sayo.

Mark: Lolo gusto ko po sanang humiling ng isang espesyal na regalo para sa kaibigan kong si Tin Tin?

Lolo Jose: Tamang tama ang nagawa kong laruan para sa kaibigan mo. Nabalitaan ko na may sakit daw si Tin Tin.

Mark: Oo nga po, gusto ko pong bigyan ng espesyal na regalo si Tin.

Narrator: Naglabas ng isang malaking kahon, nag binuksan nya ito tumambad sa kanyang harapan ang isang napakalaking Anghel na Laruan na kasing laki ni Tin Tin.

Lolo Jose: Ibigay mo kay Tin Tin ang laruan na ito.

Mark: Opo lolo, tiyak kong matutuwa si Tin Tin nito.

 

Setting4: Pumunta si Mark sa bahay nila Tin Tin na daladala ang Anghel na Laruan.Si Tin Tin ay nakaratay na sa higaan nito. Mahirap kasi sila nanay Selya kaya di nila maipadala sa ospital ang anak nito.

Tin Tin: Mark salamat at dumalaw ka sakin. Masaya akong makita kang muli.

Mark: Tin, nagdala ako ng isang regalo para sayo. (ilalabas sa kahon ang Manika at ilalagay iyon sa tabi ng higaan ni Tin).

Tin: Ay ang ganda! Salamat miko. Alam ko tiyak na ang gumawa nito ay si Lolo Jose.

Mark: Tama ka dun. Humiling kasi ako sa kanya ng isang espesyal na regalo para sayo. Tamang tama ito para mabantayan ka niya palagi.

 

Setting 5: pagalis ni Mark ay naiwan sa kwarto si Tin Tin. Tinititigan nito ang Anghel.

Tin: Tatawagin kitang Cherilika. Napaka ganda mo.

Narrator: Unti unti nang nakatulog si Tin at biglang lumiwanag ang kwarto nito at nagsimulang gumalaw ang mata at ang kamay ng Laruang Anghel.

Cherilika: (uupo sa tabi ni Tin at hahawakan ang ulo ng bata) Tin, salamat. Lagi kitang babantayan.

Cherilika: (tatayo at magdarasal) Panginoon, tutuparin ko po ang ipinag utos ninyo sa akin. Babantayan at pangangalagaan ko si Tin. (Titignan ang mahimbing na natutulog na si Tin at ngingiti ito.)

Setting 6: bisperas na ng pasko. Hinang hina na si Tin at putla na ito. Si Geric at ang kanyang ina ay nagbabantay sa kanya samantalang si Mark naman ay nakatayo sa harap ni Tin, kasama nito si lolo jose.

Geric: Tin, kumusta na ang pakiramdam mo?

Tin: (umiiyak at namimilipit sa sakit ng ulo) Kuya, tulungan mo ko. Ang sakit sakit ng ulo ko!

Nanay Selya: (hawak hawak ang kamay ni Tin) Anak ko. Kung mayaman lang tayo mapapagamot kita. Patawarin mo ko at di kita napadala sa magandang ospital.

Tin: Nanay! Wala po kayong dapat ipag-alala di po ninyo kasalanan na nagkasakit ako.

Mark: Tin, wag kang susuko. Nangako ka sakin na pupunta tayo sa mga magagandang lugar paglaki natin.

Tin: Mark, di ko na matutupad ang mga pangako ko. Nararamdaman ko na malapit na malapit na ang oras ko.

Geric: Tin, wag kang magsalita ng ganyan. Walang mangyayari sayo at gagaling ka.

Tin: (umiiyak at sumisigaw na dahil sa sobrang sakit na ng kanyang ulo. Mayamaya pa ay napapapikit na ng kanyang mga mata at ito ay nawalan na ng buhay)

Narrator: Umiyak lahat ng nasa tabi ni Tin. Si lolo Jose naman ay awang awa sa kanyang apo dahil nawalan ito ng matalik na kaibigan. Lumiwanag ang paligid at humangin ng malakas. Gumalaw ang anghel at nagulat at napatayo ang mga nasa loob ng kwarto.

Cherilika: wag kayong matakot. Gaano man kasakit ng lungkot na naramdaman ni Tin. Babalik siya dahil di pa niya oras. Napakita ninyo sa Panginoon ang inyong malinis na puso at pagmamahal kay Tin. (Hahawakan ng anghel ang kamay ni Tin at pipikit ito. Ang dating walang buhay na si Tin ay biglang nagising)

Tin: Cherilika! Salamat.

Cherilika: Maging masaya ka na lalo na ngayong araw ng pasko at kasama mo nang muli ang mga taong ngamamahal sayo.

Narrator: Lalapit si Nanay Selya at biglang yayakap kay Tin. Pati si Geric at si Miko ay masayang masaya rin.

Cherilika: Lolo Jose, ikaw na lumikha sa kaanyuan ko ay may mabuting kalooban. Nilikha moko nang nananalangin at iniisip si Tin. Narinig ka at pinadala ako. Ngayong tapos na ang aking misyon. Kailangan ko nang umalis. Ipagpatuloy mo ang pagbibigay ng kasiyahan sa mga batang tulad ni Tin.

Lolo Jose: (mamamangha) Oo, tutuparin ko ang sinabi mo.

 

Narrator: Matapos ng magusap ang anghel at si lolo. Lumakas ang hangin at umalis na ang anghel sa katawan ng manika at bumalik na ito sa langit.
Si Tin naman at ang mga mahal nya sa buhay ay masaya nang nagdiwang ng kapaskuhan. Kulang man sila ng ama. Naging maligaya sila dahil sa himala ng Diyos na pinanganak sa araw ng kasiyahan- Ang Araw ng Pasko!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s