Ang Bagong Kabataan

Ako!
Ikaw at tayong lahat
Ay ang bagong Kabataan.
Sumibol sa ating puso’t isipan
Ang maging malaya,
At magawa ang lahat ng gusto natin
Ngunit, kung ating tatanawin at iisipin
Marami rin itong masamang nagagawa
Nagkalat na ang droga sa ating kapaligiran
Ang iba ay may dalang sakit na nakahahawa
Tulad na lamang ng AIDS, STD, at mga
Sakit na nakamamatay

Mga dalaga, dapat bang isuko mo ang iyong pagkababae
Ng walang basbas ng kasal.
Dapat bang isuko mo ang iyong puri ng di nagiisip
Ng mabuti. Marami tuloy sa mga sanggol
Nanasa sinapupunan pa lamang
Ay pinapatay dahil lamang sa hindi ito
Mapanagutan at di kayang buhayin.
Kung ganito ang kahihinatnat ng lahat,
Sa palagay mo ba ay magiging maunlad at tahimik
Ang ating kinabukasan?

Pakaisipin nating mabuti ang lahat at
Imulat ang ating mga mata
Na tayong mga bagong kabataan
Ang magiging kinabukasan ng
Sangkatauhan.
Dahil ang kabataan ang mayhawak ng
Buhay ng hinaharap at
Ang pag-asa ng bayan.

Poems

Dee Almeda View All →

Multi-conscious, Sensual, Intuitive and a follower of Goddess Inanna

A woman who values life in a higher divine level than the materialistic level of life.

Loves volunteer works for Non-Government organizations that supports life, animals, nature and spiritual growth.

Currently in a quest to achieving Multi-Dimentional Consciousness.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: